KAbanata Seven- isisingit ko lang...

wala ako maisip sa mga sandaling ito...
tanging alam ko ay may hawak akong gitara habang mag tatype ng kwento ko..
hawak ko ang gitara pero ng tatype ako?!
di ko alam ang gagawin ko...
mag guiguitara ba ako o mag kwekwento...
kaya ako napagpasyahan kong mag type khit may nakaipit na guitara sa aking mga kamay..

pansin ko...
marami nga talagang tao na di makapagpasya sa mga ilang bagay sa mundo...
halimbawa na lang ng ginagawa ko ngaun...

kung pwedeng nga lang pag sabayin eh di sana ginawa ko na....
pero minsan may mga tamang paraan, na magagawa mo kung gusto mong pag sabayin ang mga gusto mong gawin..

nakakatuwang isipin na noong nag aaral pa ako...
at pang umaga ang pasok ko...
madalas akong gumawa ng bagay na di ginagawa ng ordinariong tao...
biruin mo
kahit bastos at masagwang sabihin
pinagsasabay ko ang pag totoothbrush habang tumatae....
uu ginawa ko minsan un dahil late na talaga ako...
di tulad ng iba... di man lang marunong mag toothbrush...
makakakuha ka na ng isang malaking slice ng keso pag kenaskas mo ang ngipin nila>>>
yack talaga!!! subra!!
buti pa ako kahit di normal ang pag totoothbrush noon
at least nakaraos ako at di pa ako bad breath...

hehehe...
hawak ko parin ang guitara..
di ko alam kung maghahanap na lang ako ng mga chord sa net o itutuloy ko ang kwento ko...
may mga pagkakataon sa buhay ko pag hawak ko ang guitara ay nakakaisip ako
ng mga kanta na di ko alam kung paano kakantahin ng maayos at sasalpakan
ng chords para mging isang kanta...

Oo nangangarap akong maging isang compositor.. paghawak ko lang ang guitara....
lalo na pag-inluv ka... parang gusto mong gumawa ng kanta base sa mahal mo...
lagi papasok sa isipan mo na gusto mong alayan ng isang awitin ang isang taong especial sa iyo...

minsan gumawa ako nga kanta...
natutuwa ako...
nagagandahan ako...
inulit ulit ko pa....
kampay sa guitara...
hawak sa ballpen at papel para mag sulat...

nang matapos na...
kinanta ko ulit ito...
love song ang nacompose ko...
ganda lyrics....

after na magawa ko yun...
pinarinig ko sa kanya...
dala ko ang guitara...
sabay kampay ulit...
habang kinakanta ko ang compose kung love song para sa kanya...
pagtapos ng kanta...
napangiti ko siya...
at napapalakpak din siya
kaso may sinabi siya, na kinatapos ng career ko bilang compositor..

"JOECRIS MAS MAGANDA YAN KUNG TINULA MO NA LANG!!! (sabay tawa ng malakas)"

Nalungkot ako at nagtampo..
parang batang maliit na di nakuha ang gusto...

umuwi ako sa bahay at ni-record ko ang compose ko....
para mapakinggan

"Oo nga tunog lata ang boses ko!!!"

Dahil sa payo nya...
Di na ako ng compose at sumubok gumawa ng kanta...

Lahat ng naiisip ko...
Ginagawa ko na lang tula...
Mukhang Mas maganda nga pag Tula...

Natuto akong mag guitara dahil sa hilig ko sa musica...
kaso ung musica ang walang hilig sa akin...

sabi nga nila pag-ayaw nila sau... edi ayawan mo din sila..
kaya inayawan ko ang pag cocompose ng kanta...

kaya lang naman ako nag aral mag guitara dahil noong high school...
sikat at may dating ang taong marunong tumugtog ng guitara....

sarap kayang tumutugtog ng guitara habang kumakanta ang mga classmate 0 schoolmate mo...

lalo na ang mga crush mo...

paniniwala ko kasi noon... may dagdag pogi points ang marunong ng guitara...
siguro tama lang na may alam akong tugtogin kesa wala...

pero ako mabilis akong mainluv...
lalo na sa mga magagandang boses...
at yung mga gumagawa ng tula na nakaka-touch ng damdamin...

sino bang di maiinluv sa taong para kang sinasampal ng puso at emotion pag kumakanta...

minsan may nakita akong girl na umiiyak dahil ung gown na susuotin nya ay nadala ng classmate nya...

gown yun na susuotin nya pag kumanta na siya...
dahil nga sa dumaan lang ako at naramdaman ko ang bigat na dinadala nya...
napahinto ako...
i really want to help her...
pero dahil wala akong gown...
di ko siya matulungan...
then i think another alternative solution about her problem
dahil nga sa humahagulgol na siya..
at kakanta pa...

umalis ako... Pakialam ko sa kanya...
kung siya nga mismong may problema eh wala siyang ginagawang solusyon, ako pa kaya...
ano ko ba siya!?

umalis ako at nalakad...
deretso ako sa canteen...
bumili ako ng puto..
habang kinakain ko ang puto sa canteen..
naalala ko pa rin ang girl na humahagulgul...
para tuloy may halong luha ang putong binili ko...

dahil di naman ako masamang tao...
kahit wala na akong pamasahe pauwi...
bumili ako ng C2 apple... hehehe

binalikan ko siya sabay abot ng C2 apple (sana kuntin akong writter ng C2)
ibinigay ko ang C2 sa kanya sabay sabing...
"Oh uminum ka muna... Kakanta ka pa! walang mangyayari kung iiyak ka lang jan"
After that.. di ko alam kung nagkaroon ng milagro...
dumating ang gown nya...
At nakakanta siya...

MAsaya na ako na tinatanaw nya ako habang kumakanta siya sa stage...
kahit di siya nagpasalamat ng personal...
lam ko malaking tulong ang ginawa ko para sa kanya...

No comments: